Duterte walang balak kasuhan ang mga nagpakalat ng balitang naospital siya

0
63

Walang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ang mga kritikong nagpapakalat na isinugod siya sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sanay na ang pangulo sa paulit-ulit na balitang nao-ospital siya kapag hindi nagpapakita ng ilang araw sa publiko.

Ayon pa kay Panelo, iginiit ng pangulo na hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang mga kritiko.

Muling tiniyak ni Panelo na maayos ang kalagayan ng pangulo na nagta-trabaho kahit hindi nakikita ng publiko.

Regular din aniya ang check-up ng pangulo sa kaniyang mga doktor kaya’t walang dapat ipagalala ang publiko sa kalusugan ng pangulo.