Duterte ninanis magbalik agad ng Maynila nang mag-alburuto ang Taal —Go

0
25

Nilinaw ni Senador Bong Go na ninais ng Pangulong Rodrigo Duterte na magbalik agad ng Maynila nang sumabog ang Bulkang Taal.

Gayunman, inabutan na anya sila ng pagsasara ng NAIA kaya’t maaga na lamang silang lumipad kaninang umaga mula sa Davao City kung saan karaniwang nananatili ang pangulo kapag weekend.

Sinabi ni Go na nag-ikot muna sila sa bahagi ng Taal bago nagtuloy ng Maynila kung saan nakita ng pangulo ang lawak ng naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Anya, sila ang kauna-unahang lumapag sa NAIA bago pa magpatuloy ang operasyon ng airport.