Duterte kuntento sa rehabilitasyon ng Boracay

0
44

Kuntento at masaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng isinagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa katunayan aniya, pinapurihan pa ni Pangulong Duterte ang mga kalihim ng kagawarang bumubuo sa Boracay Interagency Task Force na nanguna sa rehabilitasyon ng isla.

Kasabay nito, umaasa ang Malakanyang na magsisilbi nang aral sa lahat ng Filipino ang nangyari sa Boracay.