Duterte hindi na magpapasailalim sa panibagong COVID-19 test

0
14

Hindi na magpapasailalim si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) test, ayon kay Senator Christopher Bong Go.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Tiniyak naman ng senador na palagi nito pinapaalalahanan ang Pangulo na mag-ingat dahil kailangan ng bansa ng matatag na lider lalo na sa panahon ng krisis.