DSWD tiniyak na matatanggap ng mga Metro Manila residents ang ayuda bago ang Huwebes Santo

0
18

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matatanggap na ng mga residente sa Metro Manila ang ayudang inilaan ng gobyerno bago ang Huwebes Santo, Abril 9.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, maipamamahagi na ng gobyerno ang lima hanggang walong libong pisong ayuda ng pamahalaan para sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni bautista, nagsimula na kasing ipamahagi ang ayuda sa ilalim ng special amelioration program ngayong araw na magtutuloy-tuloy hanggang lamang hanggang sa makatanggap na ang lahat ng benepisyaryo ng naturang programa.

Ayon pa sa kalihim, titiyakin ng pamahalaan na matatanggap ng lahat ng kuwalipikadong residente ang ayudang inilaan ng gobyerno para sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi naman ni bautista na maaring ipagbigay alam ng publiko sa pamahaan at tumaga sa hotline number na 8951-2803 ang anumang sumbong o anumalya hinggil sa distribusyon ng emergency aid ng gobyerno.