DOJ itinanggi na may release order si Sanchez

0
47

Pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang pahayag ng mga anak ni dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez na nakapagpalabas na ng release order para dito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakausap niya si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon at itinanggi nitong may nilagdaan na siyang release order ni Sanchez.

Dagdag ni Guevarra, wala rin aniyang natatanggap na ulat hinggil dito ang DOJ.

 Magugunitang, ipinag-utos na ng DOJ ang pagpapatigil sa proseso ng pagbibilang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison kabilang si Sanchez.

Kasunod na rin ito ng atas ng Pangulo sa DOJ at BUCOR na tiyaking hindi makakalaya ang dating Alkalde.