DOH CHD Bicol, Nagbigay Ng Pahayag Ukol Sa Pagkakaiba Ng Mga Datos Sa COVID-19

0
97

Ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ay nais linawin ang pagkakaiba ng datos na nakasaad sa Daily COVID-19 Updates ng DOH Bicol CHD at sa datos na ipinapalabas ng ibang mga Local Government Unit (LGU). Ito ay matapos makatanggap ang Bicol CHD ng mga katanungan tungkol sa hindi tugmang bilang ng active cases, recoveries at deaths ng LGU at DOH Bicol.

Ang Daily COVID-19 Updates ng DOH Bicol CHD ay mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU). Ang datos ng RESU ay nakadepende sa bilang ng nagpositibo at specimen na sinuri mula sa mga COVID-19 laboratory. Kasama din sa report ng Bicol CHD ang bilang ng mga namatay at gumaling sa COVID-19 mula sa mga Provincial/City/Municipal/Hospital Epidemiology and Surveillance Unit (ESU).

Nais ipaalam ng DOH Bicol na hindi kabilang sa Daily COVID-19 update ang mga recoveries at deaths na hindi nairereport ng mga LGU sa RESU. Ito ang madalas na nagiging sanhi sa pagkakaiba ng mga datos sa mga report ng DOH Bicol CHD at ibang LGU.

Upang ipagtugma ang mga datos ay nagsasagawa ang RESU ng data reconciliation kasama ang mga LGU. Ngunit, pinapaalalalahan ng Bicol CHD ang mga LGU na kung maaari ay agad ireport ang kanilang naitalang recoveries at deaths upang maging tugma ang mga report ukol sa COVID-19. Isa rin sa dahilan ng hindi pagkakatugma ng mga datos na nairereport araw-araw ay ang pagsasagawa verification ng RESU ng mga inirereport ng local ESUs.

Hinihimok ng DOH Bicol ang patuloy na kooperasyon hindi lamang ng mga lokal na pamahalaan, gobyerno at pribadong sektor, kundi pati ang kooperasyon ng publiko. Sundin ang mga health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Palagiang magsuot ng facemask at face shield, paghugas o pagsanitize ng kamay, pagpapanatili ng isang metrong distansya mula sa ibang tao, pag-iwas sa mga matataong lugar at mass gathering, at pagsunod sa quarantine at isolation protocol. Ang lahat ng ito ay malaki ang kontribusyon sa pagsugpo sa pandemya dulot ng COVID-19.

(Source: DOH CHD – Bicol)

Leave a Reply