Baguio City – Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng isang Japanese o Nihongo language training center sa di umano kasama sa illegal na pangangalap at pagtatalago ng manggagawa sa Japan na isang paglabag sa kasalukuyang batas, pamantayan at regulasyon patungkol sa pangangalap, upahan at italaga bilang migranteng manggagawa.
Pinangunahan ni DMW Undersecretary Bernard Olalia at DMW Assistant Secretary Francis Ron de Guzman ang mga tao nito sa tulong na rin ng mga tagapagpatupad ng Batas mula sa iba’t ibang assisted by law enforcers from various government entidad ang pagpapasara sa Institute of Building Foreign Languages naka base sa Quezon Hill noong tanghali ng Biernes.
Sinabi ni Olalia ang pagpapaabas ng closure order sa nangangasiwa at namamahala ng Japanese language Center ay sanhi ng imbestigasyon na isinagawa ng Department of Migrant Workers ayon na rin sa natanggap nilang hinaing ng ilang mga tao na di umano ang naturang center ay humihingi ng labis na training fees na naglalaro mula P80,000 hanggang P100,000 bawat isa kasama rito ang kanilang pagsasanay sa wikang hapon at pagtatalaga upang makapagtrabaho sa Japan.
Ayon sa naturang opisyal ng DMW, kanilang natuklasan na ang Japanese language training center walang lisensiya na mangalap, umupa ng manggagawa at magtalaga ng magtatrabaho sa Japan na isang paglabag sa mga kasalukuyang batas, pamantayan at regulasyon kaya ang closure order ay ipinalabas upang hindi na ito makapangbiktima pa sa pamamagitan ng modus operandi ng naturang Japanese language training center.
Sa bahagi ni DMW Assistant Secretary Francis Ron De Guzman sinabi niya na ang modus operandi ay mangalap ng maaring magsanay ng wikang hapon na may kasamang pangako umano na sila ay maitatalaga sa Japan matapos ang kanilang pagsasanay basta nabayadan nila ang kinakailangang bayad sa pagsasanay.
Anya, ang mga nagreklamo ay nagbayad umano ng kinakailangang training fee at nakompleto nito ang pagsasanay sa wikang Hapon ngunit hindi sila naipadala sa Japan sa kanilang gustong trabaho roon kaya napilitan ang mga ito na magsumbong sa mga maykapangyarihan may tatlong buwan na ang nakakaraan.
Samantala, sinabi ni DMW Undersecretary Olalia na magsasagawa sila ng magkahiwalay na imbetigasyon kung ano magiging pananagutan ng ka tie up na recruitment agency ng naturang Japanese Language Traning School naipasara na.
Samantala, nanawagan ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers na makipag ugnayan sila sa lisensiyadong recruitment agencies kung nais nilang magtrabaho sa ibang bansa upang sa ganon ay hindi sila mahulog sa naging biktima ng illegal recruitment na maaring maging sanhi ng pagkawala ng pinaghirapang salapi at mapunta lamang ito sa mapagsamantalang illegal recruiters.
Samantala, Nagpahayag si DMW Undersecretary Bernard Olalia ng pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Baguio partikular kay Mayor Benjamin Magalong sa pagbibigay tulong sa pangkat upang matiyak ang matagumpay na pagpapasara ng naturang Japanese language Training School na tumatakbo sa mga maraming taon sa lungsod. Sa kabilang dako, ang mga opisyal at tauhan ng nasabing Japanese language Training School ay ayaw magbigay ng pahayag kahit naroon sila noong ipinaskil ang DMW closure order. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)