Distrito ni ex-Speaker Alvarez may pinakamalaking pondo sa 2019 budget

0
40

Isiniwalat ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na ang distrito ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang nakakuha ng pinakamalaking pondo sa 2019 budget.

Ito ay ayon sa liham na ipinadla ni Andaya kay Pangulong Duterte, kung saan nilinaw nito na walang kinalaman ang kasalukuyang leadership sa paglalagay ng malalaking pondo sa distrito ng mga kongresista.

Ayon kay Andaya, mayroong nakatalagang P5 billion pondo ang Davao del Norte Na siyang distrito ni Alvarez.

Habang, pumangalawa naman ang Davao City na distrito ni dating House appropriations committee chair at ngayo’y Cabinet Secretary Karlo Nograles na mayroong P4 billion.

Ang liham na ito ay tugon na rin sa naging hamon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kamara na ipaliwanag ang lumabas na report na si Arroyo at Andaya ang siyang may pinakamalaking budget sa 2019 batay sa naging alegasyon ni Sen. Panfilo Lacson.