DILG nakatatanggap ng reklamo hinggil sa SAP

0
35

Nakatatanggap ang  Department of Interior and Local Government (DILG)  hinggil sa umano’y ‘palakasan’ sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon kay DILG Undersec. for Barangay Affairs Martin Diño, umabot na sa 2,000 ang sumbong na kanilang natatanggap hinggil sa mga baranggay official na namimili lamang ng makatatanggap ng ayuda.

Sinabi ni Diño, kabilang sa mga reklamo na kanilang natatanggap ay ang pamimili ng mga kapitan ng barangay kung saan kamag-anak o ka-alyado lamang ang nagiging benepisyaryo sa ilalim ng programa ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Diño, nakatanggap din sila ng sumbong na kinakaltasan umano ng dalawang libong piso ang mga ayudang natatanggap para sa tinatawag na ‘processing fee’.

Dahil dito, tiniyak ni Diño na kumikilos na ang dilg upang maresolba ang naturang mga problema, at upang mapanagot ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa mga nasabing anomalya.