35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

DFA siniguro na walang isusukong teritoryo sa West Philippine Sea

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi isusuko ng gobyerno ang kahit anong parte ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na kontrolado na ng China ang malaking bahagi ng South China Sea.

Ayon kay DFA Sec. Teddy Boy Locsin, nanatili ang paninindigan ng pamahalaan sa karapatan ng Pilipinas sa naturang teritoryo alinsunod sa rin sa desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal.

Magugunitang mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing na kailangan tanggapin ng lahat ng claimants sa lugar na ito ay hawak na ng bansang China.

Iginiit naman ng Punong Ehekutibo na ito ang dahilan kung bakit gusto niyang agad na mabuo ang Code of Conduct sa South China Sea para maiwasan ang paglala ng tensiyon sa pinag-aagawan teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -