Aabot sa $50,000 ang ipinataw na multa sa veteran center ng Sacramento Kings na si Dewayne Dedmon.
Ito ay matapos na matapos na isapubliko ng NBA star ang kaniyang trade request: na labag naman sa collective bargaining agreement ng NBA.
Matatandaang, napaulat na ikinadismaya umano ni Dedmon ang hindi pagpapasok sa kaniya ng Sacramento sa mga laro matapos niyang lumagda ng $40-M na kontrata sa koponan.