DepEd maglalabas ng direktiba sa pagbibigay ng homework tuwing weekdays

0
38

Maglalabas ng direktiba ang Department of Education (DepEd) para maregulate ang pagbibigay ng homework o assignment sa mga estudyante mula Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, lalamanin ng direktiba ang mga panuntunan kabilang ang mga homework na itatakda, mga asignaturang kasama at mga estudyanteng sasakupin ng nasabing polisiya.

Ang naturang direktiba ay paggigiit na rin sa DepEd memorandum na nagbabawal sa pagbibigay ng mga homework o assignment tuwing weekends para magkaroon ang mga ito ng quality time kasama ang kanilang mga magulang.

Sinabi ni Briones na isinasapinal na ang naturang kautusan para sa kaniyang lagda.