Bagong AC units sa MRT-3 trains sinimulan nang ikabit — DOTr

0
41

Sinimulan nang ikabit sa mga bagon ng tren ng MRT-3 ang 33 bagong air conditioning units na binili bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa linya ng tren.

Ayon sa Department of Transportation, ang mga nasabing bagong aircon units ay unang batch ng mahigit 100 units na binili ng contractor na Sumitomo-MHI-TESP sa halagang P167-M.

Dahil ditto, tiwala ang DOTr sa mas chill o malamig na biyahe sa MRT-3.