Simula nitong Sabado, Mayo 15, 2021 ay namahagi na ang Department of Education ng mid-year bonus sa kanilang mga empleyado.
Aabot sa ₱ 26.2 bilyon ang pondong nakalaan para sa mid-bonus ng mga empleyado ng ahensya ayon na rin sa pahayag ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla. Sinabi pa nito na ayon sa batas, sila ay pinapayagan na mag-process at mag-release ng kanilang mid-year.
Naipamahagi na rin ang nagkakahalagang ₱ 6K clothing allowance ng DepEd. Magsusuot na umano ang mga guro ng bagong disenyo ng uniporme sa susunod na taon, pero, bibigyan pa rin naman ng ‘transition period’ ang mga empleyado at hindi naman maghihigpit sa mga magsusuot pa ng lumang disenyo ng uniporme. Saad ni Sevilla, nasa ₱ 5.5B ang pondo nila para sa clothing allowance.
(Source: Bicol News)
