Dengue cases sa bansa pumalo na sa mahigit 208,000 — National Dengue Task Force

0
38

Patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, head ng National Dengue Task Force at regional director ng Department of Health (DOH) Calabarzon, pumalo na sa 208, 917 ang dengue cases sa bansa sa kasalukuyang taon kung saan 882 sa mga ito ang nasawi.

Mula aniya sa 188,000 cases noong nakaraang lingggo ay mabilis itong lumobo sa mahigit 12,000 cases sa loob lamang ng isang linggo.

Dagdag pa ni Janairo, nasa 160 bata naman na naturukan ng dengvaxia ang nagka-denggue at kasalukuyan pang nasa ospital sa Calabarzon.

Update ko kayo doon sa numero sa bilang ng mga kaso, kahit na hindi maganda ang nagbibilang ng mga kaso, kailangan malaman din ng ating mga mamamayan na hindi pa rin tayo bumababa. So, yung 188 (thousand) po dati, after a week ay 208, 917 na,” ani Janairo.

(Sapol Interview)