32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Del Gallego Camarines Sur, Nakapagtala Na Ng Unang Kaso Ng Asf; Naapektuhang Bayan Umabot Na Sa 27

- Advertisement -

Iriga City- Nakapagtala na ng unang kaso ng African Swine Fever o ASF ang Del Gallego Camarines Sur.

Ayon sa LGU Del Gallego ito ay mula sa pribadong babuyan sa Barangay Salvacion. Base sa ibinabang resulta ng Department of Agriculture Bicol, positibo sa naturang sakit ang blood samples mula rito.

Kauganay nito gumagawa na ng mga nararapat na hakbang ang Municipal Agriculture Office  (MAO), MDRRM Office at Barangay Council upang kagaad na ma contain ang ASF virus. Kahit na hindi ito nakakaapekto sa tao, malaking pinsala pa rin ito sa kabuhayan kung kakalat pa.

Ayon kay DA- Bicol Spokesperson Emily Bordado umabot na sa 27 na mga bayan at lungsod ang naapektuhan ng nasabing sakit ng baboy.

Pinakahuli rito ang Goa at ang Del Gallego.

Nasa proseso naman ang assessment ang mga bayan ng Canaman, Magarao at iba pang mga wala nang maitala muling kaso, upang payagan na muli ang mga residente na mag-alaga ng baboy.

Dagdag ni Bordado upang maprotektahan pa ang Bicol Region sa muling pagkalat ng virus, mahigpit ang checkpoints sa mga border points ng lalawigan.

Source: Bicol News

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -