Death toll dahil sa COVID-19 sa PNP nasa 12 na

0
12

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinakahuling bulletin ng PNP, umakyat na sa 12 ang bilang ng mga nasawing pulis bagama’t wala pang inilalabas na detalye hinggil dito.

Kasunod nito, nadagdagan din ng 27 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PNP kaya’t umabot na sa 2,434 ang kabuuang bilang nito.

Nadagdagan din ng 51 ang bilang ng recoveries sa PNP kaya’t pumalo na sa 1,479 ang bilang nito.

Sa kasalukuyan din, aabot sa 878 ang bilang ng mga probable cases habang nasa 2,592 ang bilang ng suspected cases.