Davao City – Muling bubuksan ang operasyon ng Singapore Airlines para sa rotang Davao-Singapore sa Davao International Airport (DIA) na magbubukas sa October 31, 2021 hanggang March 26, 2022.
Ayon kay Davao City Tourism Operations Officer Generose Tecson na nag-request ng terminal clearance ang Singapore Airlines para makabalik na sa kanilang operasyon.
Dagdag sa opisyal na sa ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pag-comply sa mga requirements mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang ahensya.
Una nang nag-operate ang nasabing airlines kung saan linggo-linggo na nagsagawa sila ng flights sa DIA ngunit nahinto lang ito dahil sa pagsara ng DIA dahil sa Covid-19 pandemic.
Sa ngayon, patuloy din ang paghahanda ng mga tour operators para sa muling pagbukas sa turismo dito sa lungsod ng dabaw.
(Source: Davao City Tourism Office)