Davao: P2.1m na halaga ng mga droga nakita matapos nahuli ang ika-4 sa drug watch list sa Davao Region

0
156

Nahuli ng Ecoland Police Station ang drogang nagkakahalagang ₱ 2,160,000.00 dahil sa drug buy-bust operation sa pangunguna ni Police Major Rosario Aguilar kasama ang RSOG-RDEU XI kahapon, Mayo 4, 2022 sa Union Avenue, Bangkal, Brgy. Talomo, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Police Major Rosario Aguilar ang suspek na si Juner De Asis Biajedot o alyas “Jack” na kinilalang ika-4 sa high value individual sa drug watchlist sa Region XI.

Ayon kay Police Major Aguilar, nasa 135 grams ang drogang nakumpiska galing sa nabili mula sa possession ng suspek.

Humaharap ang suspek ng kasong RA 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: Ecoland Police Station)

Leave a Reply