27.7 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Davao: Mga dadalo sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte pina-aalahanan ng DCPO na masunod ang mga security measures

- Advertisement -

Nag paalala ang Davao City Police Office sa mga dadalo sa darating na inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte na masunod ang mga security Measures ipapatupad sa naturang okasyon, ngayong Hunyo 19 sa San Pedro Square.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon pa kay Police Major Maria Teresita Gaspan, Spokesperson sa DCPO na sundin at unawain ng mga dadalo ang mga bawal dalhin upang maging malinis at walang problema ang inagurasyon.

Iilan sa mga importanteng ipapatupad ay ang mga; mandatory na pagsuot ng facemask, ang pagbawal sa pagsuot ng jacket at pagdala ng backpacks sa loob ng naturang lugar, ang pagbawal ng mga nakalalasing na inumin, illegal na droga, matutulis ma bagay, tumbler at water containers na hindi kita ang laman.

Bawal ang pagdala ng garbage bag na hindi kita ang loob, pagbabawal sa pagpapalipad ng drones maliban sa mga nakakuha ng security clearance.

Pinayagan din ang mga vendors na magtitinda at pagpapatupad sa mga exisi ordinance sa Davao City.

Dagdag pa ni Gaspan na kung ang mga dadalong ay nakitaan ng mga pinagbabawal na bagay ay hindi makakapasok sa naturang lugar.

(Source: DCPO PIO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -