Davao: Magnanakaw sa loob ng dyip huli ng Baliok PNP

0
144

Davao City – Arestado ang isang lalaking suspek sa pagnanakaw ng isang pasahero sa loob ng dyip sa lungsod ng Davao.

Sa ginawang follow up operation nitong Mayo 24, nahuli din ang suspek sa tulong ng Baliok PNP. Kinilala itong si Ronile Tumilap Vimanos, 31 taong gulang, nakatira sa Purok 10 Seaside, Barangay Lapulapu, Agdao District.

Ayon sa biktima na isang nursing student, inireport niya ito sa kapulisan matapos itong nakawan ng suspek.

Ang modus ng suspek ay ang pagsakay ng iba’t-ibang pangpasaherong dyip, at maghahanap ng tamang oras para manakawan ang mga pasahero.

Nakuha galling sa suspek ang ninakaw niyang Iphone 11 na nagkakahalagang Php 34,000.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at humaharap sa kasong under Section 81 of R.A 10951.

Leave a Reply