Saturday, May 18, 2024

Davao: Lalaki sinaksak ng kaniyang kasama sa kainuman

- Advertisement -

Patay ang isang lalaki matapos pinag-sasasaksak ng kaniyang kainuman nitong Mayo 23, 2022, alas 7:45 ng gabi, sa Brgy. Dacudao San Isidro, Davao del Norte.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Police Captain Eunice Huit, ang Chief of Police sa San Isidro Municipal Police Station ang biktima na si Pedro Sabate Epolla, 44 taong gulang, pamilyado, residente sa naturang lugar.

Ayon kay Police Captain Huit, sinaksak ang biktima sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan ng hindi kilala niyang kasama sa inuman matapos itong tumakas.

Sinugod ang biktima sa Davao Regional Medical Center Infirmary Ward Extension sa San Isidro ngunit nadeklara na itong Dead on Arrival (DOA) sa attending physician.

(Source: PIO PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -