Friday, May 3, 2024

Davao: Lalaki binaril ng hindi kilalang suspek

- Advertisement -

Hinahanap na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na bumaril sa isang lalaki sa loob ng kaniyang bahay pasado 7:23 ng gabi, Septyembre 23, sa lungsod ng Hagonoy.

Kinilala ang biktima ni Officer-in-Charge Police Major Rhuel Barachina na si Victor Macarayo, 42 taong gulang.

Natamaan ang biktima ng limang bala sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.

Dali-daling dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ang biktima at kaagad ‘ding inilipat sa Digos Doctors Hospital.

Samantala, tumakas ang hindi kilalang suspek at na rekober sa crime scene ang mga empty shells, dalawang 9mm at dalawang .45 Caliber pistol.

Patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang malaman ang totoong motibo at suspek sa krimen.

Source: PIO PRO XI

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img