Davao: Dalawang mga mekaniko huli sa buy-bust operation

0
2

Arestado sa mga miyembro ng Digos City Police Station ang dalawang mekaniko sa isinagawang drug buy-bust operation pasado 3:00 ng hapon ng Sabado, Nobyembre 5, 2022 sa Purok Bayanihan, Brgy. San Miguel, Digos City.

Kinilala ni PLt. Diosdado Niones II, ang mga naaresto ay sina Silas Rogelio Oppus o alyas “Son/Bong”, 51 taong gulang na residente mula sa Brgy. Bonifacio, Bansalan, at si Michael Ogates, 20 taong gulang na mula din sa Jose Abad Santos St., Brgy. Zone 3, Digos City.

Ang dalawang suspek ay nabilhan ng poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu at nakuha rin sa kanila ang dalawa pang mga pakete.

Tumimbang ito ng .38 gramo na nagkakahalaga ng ₱ 5,700.

(Source: Digos City Police Station)

Leave a Reply