29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Davao: Construction Ng Farm To Market Road Ng Barangay Tibolo-Sibulan-Baracatan Sta. Cruz, Davao Del Sur, Sisimulan Na

- Advertisement -

Davao City – Sisimulan na ang konstruksyon ng Farm to Market Road na kokonekta sa Barangay Tibolo-Sibulan-Baracatan Sta. Cruz, Davao del Sur matapos ang ginawang blessing ng construction site at ng mga heavy equipments. Ang nasabing proyekto ay may haba na aabot sa 10.6 kms na nagkakahalaga ng ₱ 360 million na magmumula sa National Government ang pondo nito.

Ang nasabing road project ay mayroong pito’ng packages na na-award sa iba’t-ibang construction companies na nanalo sa bidding process sa ilalim ng Department of Public Works and Highways XI.

Malaki ang nai-ambag na tulong ng PNP RPSB Team Sibulan sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng pag-coordinate ng DPWH Officials, Sibulan BLGU at Tribal Council. Nangako ang mga kontraktor ng 60% sa mga tatanggaping trabahante na kukunin mula sa Barangay Sibulan Sta. Cruz.

Sa naganap na Blessing, dumalo ang iba’t-ibang mga opisyal na kinabibilangan ni PCol. Edgar Allan Okubo ng PRO XI, Sibulan Barangay Kapitan Danilo Abe, Engr. Marcos Pacifico, Project Engineer ng DPWH Region XI at Datu Gideon Tolentino- IPMR, Tribal Chieftain ng Sibulan Bagobo-Tagabawa Tribal Council.

Isa sa naging masaya sa nasabing proyekto ang tribong Bagobo-Tagabawa kung saan magiging madali na lang ang pasikot-sikot sa mga daan at pagpa-baba ng kanilang mga produkto papunta sa sentro.

(Source: PRO XI Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -