Davao City – Naging matagumpay ang ginawang Full-Scale Aircraft Emergency Exercise ng mga personahe ng Davao City Central 911 noong Miyerkules, Oktobre 20 sa Davao International Airport.
Naging sitwasyon sa ginawang simulation exercise ang pagresponde ng Davao Central 911 operative sa tawag ng naka-duty na Air Traffic Controller para sa on-airport aircraft emergency condition.
Ang binigay na tasking sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na siya’ng Incident Management Team (IMT) sa Central 911 team na kinabibilangan ng Emergency Medical Service (EMS), Urban Search and Rescue (USAR) at FAS Units ay ang pamamahala ng  secondary triaging, treatment at ang pag-transport ng mga sugatan na mga pasahero.
Nandyan din sa nasabing simulation exercise ang mga operatiba ng Philippine Air Force, PNP-AVSEU, BFP at OCD.
(Source:Â Davao City Central 911)