Davao: 2 Classroom Building Pinatayo Sa Pantukan, Davao De Oro

0
337

Davao De Oro – Sinimulan na ang pagtatayo ng dalawang classroom building ng Sitio Maligaya, Barangay Tagugpo, Pantukan, Davao de Oro.

Ang pagtatayo ng bagong  school building  ay pinagtutulongan ng mga mamamayan  sa ilalim  ng “Bayanihan sa Paaralan Program” na isa  sa mga  Gawad Kalinga (GK) Inspired Initiatives na patuloy na pinapalakas ng probinsyal na pamahalaan ni Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy.

Sa nakalipas na Oktobre 1, 2021, sinasagawa ang isang Kick-off Ceremony kasama sina Mayor Roberto Yugo ng  Pantukan, SDS Eufemia Gamutin at SGOD Chief Dr. Ruben Reponte ng DepEd De Oro at ni Brgy. Captain Ulyses B. Alcosero na nag-abiso sa 5 Sitios sa Brgy. Tagugpo na siya’ng makabenepisyo nito.

Ang lima’ng (5)  sitio ay kinabibilangan ng Sitio Mahogany, Sitio Paradise, Sitio Honor, Sitio Marako,  at ang  Sitio Maligaya na siya’ng pinagpatayoan ng paaralan  kung saan ang lupa ay donasyon ng “Maligaya Corn Mill Association of Tagugpo”.

(Source: Public Information Office – Davao De Oro)

Leave a Reply