Thursday, May 2, 2024

Davao: 17-anyos patay; 2 ang nakaligtas pagkatapos tangayin ng mga malaking alon sa lungsod ng Panabo

- Advertisement -

Patay ang isang menor de edad, ngunit nakaligtas ang dalawa nitong kasama, matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang nangingisda sa dagat sa Purok Lapu-Lapu, Brgy. San Pedro, Panabo City, Oktubre 11 ng taong ito.

Visit RPN DXKT Davao

Sa ulat ng Coast Guard Sub-Station Panabo, isang concerned citizen ang nagpaalam sa kanila sa insidente.

Pagdating nila sa lugar, nakita nila ang dalawa na lumulutang sa dagat habang inaanod sa malalaking alon.

Ang mga nakaligtas ay sina Michael A. Labuya, 25 at Nowel L. Asoque, 20, pawang mula sa Purok 23, Brgy. San Vicente, Panabo City.

Matapos ang limang oras na search and rescue, natagpuang patay ang isa pa nilang kaibigan na si Jeffrey, 17.

(Source: Coast Guard Sub-Station Panabo)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img