Dating VP Binay tatakbo sa pagka-kongresista sa Makati

0
43

Asahan na ang pagbabalik-pulitika ni dating Vice President Jejomar Binay matapos ang dalawang taong pagpapahinga simula nang matapos ang kanyang termino.

Tatakbo si Binay sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Makati City sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Joey Salgado, spokesman ng nakatatandang Binay, sa sasabak muli sa halalan ang dating pangalawang pangulo sa ilalim ng ticket ng kanyang anak na si Mayor Abby Binay.

Inanunsyo aniya ng nakababatang Binay ang pagbabalik-pulitika ng ama sa flag ceremony, kahapon.

Magugunitang natalo sa 2016 presidential elections si dating Vice President Binay sa noo’y Davao City Mayor na si Rodrigo Duterte.