Dagdag pasahe sa ilalim ng GCQ nakadepende sa LTFRB

0
15

Nakadepende sa guidelines ng LTFRB kung papayagan ang dagdag singil sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan na magbabalik operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque bagamat naiintindihan nila ang hirit ng mga driver na taas pasahe dahil sa ipatutupad na social distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Hindi naman aniya kaagad makapagpapatupad ng dagdag singil sa pasahe hangga’t walang permiso ng LTFRB.

Batay sa guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF) on infectious diseases papayagan nang makabalik ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan basta’t matitiyak lamang ang isang metrong layo ng mga pasahero.