Dagdag-pasahe inihirit

0
19

Naghain na ng petisyon ang ilang jeepney transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), para sa dagdag-singil sa pamasahe.

Batay sa petisyon ng mga grupong Concerned Transport Organization (ACTO), Alliance of Transport Operators & Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), LTOP at Pasang-Masda, kanilang hinihiling ang P12.00 na pasahe para sa unang apat na kilometro at dagdag na P2.00 sa kada kilometro sa Metro Manila.

Paliwanag ng mga ito, kasalukuyan kasing nasa P40 hanggang P45 ang presyo ng kada litro ng diesel at maaari pa itong tumaas dahil sa namumuong tensyon sa Gitnang Silangan.

Samantala, nakapaloob din sa naturang petisyon ang pagbalik P10 na minimum na pasahe habang dinidinig pa lamang ang kanilang petisyon na itaas ito sa P12.