Dagdag bawas sa presyo ng petrolyo asahan na

0
12

Asahan na ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas.

Sa abiso ng ilang kumpanya ng langis, matatapyasan ng 10 sentimo kada litro ang presyo ng diesel at 60 sentimo kada litro naman sa kerosene.

Habang tataas naman ng 75 sentimo kada litro ang presyo ng gasolina.

Epektibo ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo 6:00 bukas ng umaga.

Maliban lamang ito sa kumpanyang Chevron na unang magpapatupad ng paggalaw sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo 12:01 ng hating gabi.