DA pinag-aaralan na magdagdag sa listahan ng agricultural products na may SRP

0
14

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA)ang posiiblidad na mas maraming gulay pa ang madagdag sa listahan ng agricultural products na mayruong suggested retail price (SRP).

Ayon ito kay Agriculture Secretary William Dar dahil tumataas ang presyo sa merkado ng maraming gulay na hirap mai-biyahe sa gitna na rin nang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Una nang binuhay ng da ang local price coordinating councils sa buong bansa para matiyak na nasa SRP na itinakda ng ahensya ang presyo ng maraming agricultural products.