COVID-19 recoveries sa buong mundo higit 1-milyon na

0
34

Mahigit sa 1-milyon na ang gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mahigit sa 3-milyon kataong nagpositibo sa sakit mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa datos ng John Hopkins University, pinakamarami ang gumaling sa Germany na sinundan ng Spain at China.

Samantala, bagamat mayroon silang mahigit sa 1-milyong kaso ng COVID-19, umaabot lamang sa 125,000 ang gumaling sa Estados Unidos.