Mabilis nang kumakalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga bilangguan sa Estados Unidos.
Batay sa ulat ng US Federal Bureau of Prisons, itinuturing na ngayong malaking banta sa mahigit 2-M prison population sa Estados Unidos ang COVID-19.
Ayon sa ulat, sa Ohio State pa lamang, apektado na ng COVID-19 ang 80% ng isang bilangguan sa lugar na mayroong 2,500 preso.
Una rito, itinuturing na ‘time bomb’ ng mga eksperto ang COVID-19 sa mga bilangguan lalo na’t lima pa lamang mula sa 50 states sa Amerika ang nakapagsagawa ng testing sa mga bilangguan.
Sa pinakahuling ulat, nasa 1.4-M na ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.