COVID-19 death toll higit 4,000 na

0
18

Mahigit na sa 4,000 ang bilang ng nasawi sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nasa 3,136 dito ay nagmula sa China.

Pangalawa rito ang Italy na nakapagtala na ng 463 kataong nasawi  kung saan 97 rito ay nito lamang nakaraang 24-oras.

Pangatlo ang Iran na nakapagtala na ng 237 kataong nasawi.

Samantala, nasa mahigit 114,000 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 mula sa 113 mga bansa at teritoryo.

Mahigit sa 80,000 rito ang nasa China samantalang mahigit sa 9,000 ang nasa Italy.