COVID-19 cases sa QC pumalo na sa 583 —DOH

0
22

Nadagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 583 ang kumpirmadong kaso sa lungsod.

Ito ay taliwas sa report ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon City na wala silang naitalang bagong kaso ng COVID-19 at pananatili sa 34 ang naitalang nasawi habang isa naman ang nadagdag sa bilang ng nakarekober.

Paliwanag ng lokal na pamahalaang lungsod, iva-validate pa kasi nila ang bagong naitalang kaso ng DOH kung kaya’t may kaibahan sa kanilang bilang.

Samantala, ipinalabas na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Executive Order No. 25 series of 2020 na nag-aatas sa mga residente na magsuot ng kahit anong uri ng pantakip sa ilong at bibig gaya ng face masks sa lahat ng pampublikong lugar sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.