COVID-19 cases sa PNP may kabuuang 2,798 na

0
13

Nadagdagan pa ng 41 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Dahila dito, mayroon nang kabuuang 2,798 mga tauhan ng pnp ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.

Sa nabanggit na bilang, 1,841 na ang gumaling matapos madagdagan 15 bagong recoveries.

Nananatili naman sa 13 ang nasawi dahil sa nabanggit na sakit.

Samantala, pumapalo naman sa 747 ang probable COVID-19 case sa PNP habang nasa 2,153 ang suspected case.