COVID-19 cases sa buong mundo aabot na sa 21 milyon

0
21

Pumapalo na sa halos 21 milyon ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa 196 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 291,000 bagong kaso sa buong mundo sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, umaabot na sa mahigit 724,000 ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 matapos namang makapagtala ng halos 10,000 na mga bagong nasawi.

Habang nasa higit 12.7 milyon na ang gumagaling o nakarekober sa sakit.

Nananatili naman ang Estados Unidos sa bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan umaabot na sa mahigit 5.2 milyon ang kanilang kaso at mahigit 167,000 na ang nasawi.