COVID-19 Cases Sa Bicol Pumalo Na Sa 18,409; Death Toll Umakyat Sa 597 Matapos Madagdagan Ng Panibagong 21

0
73

Bicol Region – Pumalo na sa 18,409 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 168 na panibagong kaso kahapon.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang nagtala ng pinakamataas na bagong kaso na mayroong 71 kung saan 25 nito ay mula sa Naga City, anim sa bayan ng Bombon, lima sa bayan ng Nabua, tig-apat ang bayan ng Bula at Ragay, tigtatatlo ang mga bayan ng Balatan, Bato, Goa at Pili, tigdalawa ang bayan ng Caramoan at Sipocot at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Libmanan, Ocampo, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Tigaon at lungsod ng Iriga.

33 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, pito sa bayan ng Guinobatan, tigtatlo ang bayan ng Camalig at Daraga, tigdadalawa ang bayan ng Bacacay, Pio Duran at lungsod ng Tabaco at tig-iisa naman ang mga bayan ng Manito, Oas at lungsod ng Ligao.

23 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 13 nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang bayan ng Barcelona at Gubat, dalawa sa bayan ng Irosin at tig-isa ang bayan ng Juban at Prieto Diaz.

21 bagong kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan 11 nito ay mula sa Masbate City, apat sa bayan ng Cawayan, tatlo sa bayan ng Cataingan, dalawa sa bayan ng Aroroy at isa sa bayan ng Placer.

20 kaso ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Virac, apat sa bayan ng Bagamanoc, tatlo sa bayan ng San Miguel, tigdalawa ang bayan ng Bato at Viga at tig-isa ang bayan ng Caramoran at San Andres.

Zero new case naman kahapon ang lalawigan ng Camarines Norte. Sa ngayon, nasa 6,322 (34.34%) pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Samantala, pumalo na sa 597 (3.24%) ang death toll sa Bicol matapos makapagtala ng 21 panibagong nasawi. Siyam nito ay mula sa Camarines Sur, tig-apat ang Albay at Naga City, tatlo sa Sorsogon at isa sa Catanduanes.

Pumalo naman sa 11,490 (62.42%) ang total recoveries matapos magtala ng 186 na panibagong gumaling. 50 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tig-49 ang Albay at Camarines Sur, 34 sa Sorsogon at apat sa Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Face shield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.

(News & photo courtesy of Bicol News and EDMERO Camarines Sur)

Leave a Reply