COVID-19 cases sa bansa sumampa na sa 153

0
12

Sumampa na sa 153 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), isa sa kabuuang bilang ang namatay, 64 ang kasalukuyang ginagamot habang 86  naman ang gumaling na at nakalabas sa ospital.

Dagdag pa sa datos ng DFA, na umaabot sa 10-M Pilipino ang nagtatrabaho sa dalawamput tatlong bansa na karamihan ay pawang mga housemaids, construction laborers, engineers, it workers at medical personnel.