Community quarantine sa Metro Manila epektibo na

0
27

Epektibo nang ipinatutupad ang community quarantine sa Metro Manila upang pigilan ang paglaganap ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Matatandaang inanunsyo kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng quarantine sa buong National Capital Region (NCR) na sinimulan kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Itoy matapos na itaas noong Huwebes sa Code Red Sub-Level 2 ang buong bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Ngayong nasa ilalim na ng community quarantine ang Metro Manila, mahigpit ng ipagbabawal ang pagbyahe papasok at palabas ng Metro Manila hanggang sa hatinggabi ng April 14, 2020.

Ngunit exempted o hindi naman kabilang sa kautusang ito ang mga cargo supply, mga pasyenteng kailangang dalhin sa NCR, mga government officials at mga nagtatrabaho sa Metro Manila ngunit naninirahan sa mga lalawigan.