Cleansing sa PhilHealth dapat ipatupad —SP Sotto

0
9

Dapat magpatupad ng cleansing o paglilinis ang PhilHealth kung saan unahin ang nasa itaas at pababa.

Ayon ito kay Senate President Vicente Sotto III bago pag usapan kung paano maaaring tulungan ang PhilHealth para maiwasang bumagsak ito tulad nang pagbibigay ng supplemental budget dito.

Sinabi ni Sotto na sakaling wala pa ring pagbabago sa tema ng sagot ni PhilHealth president Ricardo Morales sa susunod na pagdinig sa Martes, Agosto 11, irerekomenda na aniya nila sa Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito sa puwesto

Bibigyan aniya nila ng kopya ng committee report ang pangulo gayundin ng kanilang rekomendasyon kapag natapos na ang kanilang imbestigasyon.

Una nang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi sisibakin ng pangulo si Morales maliban na lamang kung may maiprisintang ebidensya na sangkot ito sa korupsyon sa PhilHealth —ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol 19).