28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

City Vet Iriga Nagsagawa Ng Libreng Serbisyo Medikal Sa Mga Alalagaing Hayop

- Advertisement -

Nitong Lunes, September 6, nagsagawa ang Iriga City Veterinary Office ng libreng Estrous Syncronization sa mga alagang baka at kalabaw sa Barangay Santiago at Sto. Domingo.

Sa pakikipagtulungan ng Livestock Division ng Department of Agriculture RFO V, anim (6) na baka’t kalabaw ang nakapasa para sa estrous syncronization para sa artificial insemination na gagawin ngayong Huwebes at Biyernes. Ito ay isinasagawa upang mapataas ang papulasyon at kalidad ng mga baka at kalabaw.

Tatlumpu’t apat (34) na baka’t kalabaw at limampu’t dalawang (52) kambing ang sumailalim sa libreng deworming, hemosep vaccination at vitamin supplementation. Bukod pa rito, mayroon din labing anim (16) na baka at kalabaw na inerihistro ng kanilang mga may-ari para sa Certificate of Ownership.

(Source: Iriga City Official Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -