Citizen arrest sa mga nagkakalast ikinukunsidera ng mga otoridad sa Boracay

0
50

Ikinukunsidera ng mga otoridad ang pagpapatupad ng citizen arrest laban sa mga nagkakalat sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos na mag-viral sa social media ang larawan ng ilang mga nagkalat na maliliit na basura sa isla, ilang oras lamang matapos itong muling buksan sa mga lokal na turista.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakakadismaya aniya na matapos ng anim na buwang pagsasara ng isla para sumailalim sa rehabilitasyon ay tila wala pa ring natutunan ang ilang mga filipinong nakiisa sa dry run.

Dahil dito sinabi ni Puyat na magdaragdag sila ng mga environmental police sa Boracay para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-littering campaign.

Tiniyak din ni Puyat na mahigpit nilang ipatutupad ang inilagay na limitasyon sa bilang ng mga turistang papasukin sa Boracay.