CFAG Iriga overall champion sa 8th Nat’l Fire Olympics; Nag-uwi pa ng 2 gintong medalya

0
8
photo courtesy of BFP Bicol Region

Itinanghal na Over-All Champion ang “Team Oragon” Community Fire Auxiliary Group (CFAG) mula sa Iriga City matapos nitong gawaran ng dalawang gintong medalya sa ginanap na 8th National Fire Olympics nitong Marso 21, 2024 sa lungsod ng Baguio.

Nasungkit ng nasabing grupo mula sa Brgy. Sagrada, Iriga City ang gintong medalya sa Fire House Down competition. Bukod pa rito, sila rin ang nanguna sa Blazing Showdown sa nasabing kompetisyon at nag-uwi rin ng isa pang gintong medalya.

Inirepresinta ng CFAG Iriga ang Bicol Region matapos ang mga itong mag-uwi rin ng kampeonato sa Regional level.

Ang nasabing national olympics ay ginagawa taon-taon kaugnay sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month tuwing buwan ng Marso. (Emman Lumapag)

Leave a Reply