Cayetano tiniyak na walang poder sa Kongreso ang mga narco politician

0
43

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang poder sa Kongreso ang mga narco politician.

Ito ang kanyang sinabi sa ika 17th taong anibersaryo ng PDEA.

Aniya, kung merong gumagamit ng droga o protektor ng droga sa kongreso ay kasama siya sa paglilinis nito.

Dagdag pa ng House Speaker, kung kulang ang pondo sa iligal drugs ay magsabi lamang sa kanila ang PDEA.

Hinikayat din ng lider ng Kamara na maging mapagpasensya ang ahensya sa mga kritiko sa pagpapaliwanag ng sitwasyon.

Una nang inihayag ni Cayetano sa mga kapwa kongresista na gawing “House of the People“ ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.