BOC winasak ang nasabat na P1.75-M beauty products at computer parts

0
38

Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang nasabat na P1.75 milyong halaga ng beauty products at computer parts.

Ayon sa BOC, ang naturang mga sinirang produkto ay mula sa China at inabandona na ng consignee ng mga ito mula pa nuong 2017.

Paliwanag ng ahensya tumagal ng isang taon bago nawasak ang mga kontrabando dahil sa haba ng proseso para sa paperwork at permits.

Ang mga beauty products at spray bottle caps ay pawang misdeclared bilang houseware at ladies accessories habang ang mga parte naman ng secondhand computer ay nakitaan ng paglabag sa environmental regulation.

Kabuuang limang tonelada ang timbang ng naturang mga gamit.

Isinagawa ang pagwasak ng mga kontrabando sa accredited facility ng BOC na RMM Trading Waste Management sa Kawit, Cavite.