Black box ng eroplanong bumagsok sa Pansol ipasusuri

0
36

Ipasusuri sa ibang bansa ang narekober na black box ng eroplanong bumagsak sa Pansol, Calamba City Laguna.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa iba’t ibang lugar natagpuan ang ilang parte ng King Air 350 na isang medical evacuation plane.

Makakatulong umano ang naturang mga parte ng eroplano sa ikauusad ng imbestigasyon kaugnay sa sanhi ng pagbagsak nito.

Magugunitang siyam katao ang nasawi sa pagbagsak ng naturang eroplano.